Her own little moment.
kept in an online diary


Meet the Writer.
  | Bianca | Single | Mostly Unhappy |
"I write what I feel. I write words I'm afraid to say."

Instagram: @ystxbiancax
Twitter: @abiancav

Simple lang naman ang gusto ko.

Gusto ko lang yung mahalin ako ng totoo. Gusto ko lang yung kahit gaano kahirap ang sitwasyon, di ako susukuan. Gusto ko lang yung kahit nag-aaway, pag nagkabati move on na agad. Gusto ko lang yung simpleng set-up pero yung tipong mahirap i-give up.

May 18th, 2013
Sabi nila sana daw yung mga seryoso ang magkaseryosohan, at yung mga manloloko ang magkalokohan. Di ba nila naisip na hindi matututo ang tao kung hindi sila magkakamali
May 12th, 2013
Yung taong dahilan ng ngiti mo noon, s’yang dahilan ng mga luha mo ngayon.

Grabe lang. Ang sakit ‘no? Akala mo dati ang ganda ganda ng buhay. Akala mo dati hindi na matatapos ang mga araw na masaya ka. Akala mo dati pang-habang buhay na. Yun pala, AKALA MO LANG YUN. Ang sakit. Ang hapdi-hapdi sa pakiramdaman. 

May 11th, 2013
Alam mo ba kung ano talaga yung mga dahilan kung bakit ako nasasaktan?

  • Yun yung wala pang 24 hours after ng break up, may bago ka na agad mahal.
  • Yung hindi ka man lang dumaan sa “moving on period.”
  • Yung nalaman ko na habang girl friend mo pa ko, may iba ka na palang kausap sa gabi.
  • Yung tinapon mo ang lahat pinagsamahan natin para sa babaeng nakilala mo lang sa fb.
  • Yung pati friendship natin nasira.
  • Yung tuwing makikita ko updates mo sa fb at twitter, ang saya-saya mo habang ako gabi-gabi umiiyak hanggang makatulog.
  • Yung sa simpleng bagay na makita ko ikaw ang maaalala ko.
  • Yung alam kong kahit ano pa ang gawin ko, di ka na babalik.
  • Yung gusto kitang kamuhian pero di ko magawang magalit sa ‘yo.
  • Yung nagmumukha na akong TANGA sa lahat ng kaibigan ko sa kakaasa kahit hindi mo naman ako pinapansin.
  • Yung may iba nang babaeng nakakapagpangiti sa ‘yo.
  • Yung wala akong magawa para makalimutan ka.
  • YUNG MAAALALA KONG HINDI KA NA AKIN.

May 8th, 2013
Madali naman kasi magpatawad. Mahirap lang talaga makalimot.

Minsan hindi naman talaga ibig sabihin na hindi mo na s’ya kinakausap ay bitter ka. Hindi lang talaga maiiwasang maalala mo yung masasamang nangyari noon at yung ginawa n’ya na sobrang nakasakit sa ‘yo. Oo, posible yun. Lalo na kung talagang mabigat ang naidulot na sakit sa ‘yo nung nagawa n’ya. Kaya minsan mas okay na din yung napatawad mo na s’ya, at magkalimutan na lang.

May 7th, 2013
Bakit selosa ang mga babae?

misskatrinarose:

Simple lang, dahil mahal ka niya.

  • Ayaw niyang may lumalapit sa’yong babae.
  • Ayaw niya ‘yung babaeng nagpapa-cute sa’yo.
  • Ayaw niyang may kumakausap sa’yo
  • Naiinis siya ‘pag may lumalandi sa’yo.

Asahan mong madamot ang isang babae ‘pagdating sa lalaking mahal niya. Wala eh, mahal niya eh. Nagiging selfish ang mga babae sa lahat ng bagay.. Oo, mali ‘yung ganun. Nakakasakal, nakakainis sa part ng lalaki. Pero tanggapin natin na ganyan magmahal ang isang babae. Takot siyang mawala ka sa kanya… Kaya kung magselos siya, todo-todo. 

 

May 3rd, 2013
The best lessons in life are those that comes into your mind during silent moments.
April 30th, 2013